Labing apat na taon na ang nakararaan, isinilang ang isang malusog na batang babae sa San Pablo City Hospital . Siya ay pinangalanang Camille Keith ng kanyang mga magulang na sina Marlo at Jessebel Alcantara. Laking tuwa nila dahil ito ang unang anak ng bagong kasal. Buong galak nilang tinanggap ang sanggol na may pag-asang ito ay lalaking isang masipag at masunuring anak.
Unang Kaarawan ko |
Makalipas ang isang taon, naghanda ang mag-asawa para sa unang kaarawan ng pinakamamahal nilang anak. Inimbita nila ang mga kamag-anak kaibigan at mga kakilala nila para samahan silang ipagdiwang ang kaarawan ni Camille.
Naging masaya ang araw na iyon para sa lahat lalong lalo na sa mag-asawa.
Nakikita nilang masaya din si Camille kahit hindi niya ito masabi. Sa mga mata pa lamang ng sanggol ay kita mo na ang saya lalo na sa bawat tawa at ngiti na ibinibigay nito. Natapos ang pagdiriwang na iyon ng maayos at maligaya.
Nadagdagan pa ang kasiyahan ng mag-asawa ng biyayaan uli sila ng isa na namang malusog na sanggol na lalaki. Nagkaroon ngayon ng kapatid at kalaro si Camille. Masayang lumilipas ang bawat araw para sa mag-anak na ito. Habang lumilipas ang panahon, lumalaki at nadaragdagan na rin ang mga anak nila. Hindi maiiwasan ang mga araw na nagdadahop ang kanilang pamilya. Kahit magkagayon man, hindi hinahayaang magutom ng padre de pamilya na si Marlon ang kanyang mga anak at asawa.
Pagkagraduate ko sa Kinder |
Pagtuntong ni Camille ng apat na taong gulang, ipinasya ng mga magulang nito na pag-aralin siya sa Fundamental Baptist Church na kalapit lang ng kanilang tahanan. Dito niya nakilala ang mga mababait niyang mga kaklase. Magkasabay na ipinagdiwangni Camille at ng kanyang pinsang si Ivy ang kanilang ika-limang kaarawan. Napakasaya ng araw na iyon. Nagkaroon din ng handaan sa kanilang tahanan na dinaluhan naman ng mga kaibigan ng kanyang mga magulang. Walang humpay na pasasalamat na lamang ang naisukli ni Camille sa kanyang pinakamamahal na mga magulang.
Sa araw ng kanyang pagtatapos sa taong iyon, kasa-kasama niya ang kanyang mga magulang pagkuha ng diploma, ang diploma ng kanyang pagtatapos.
Sa edad na limang taong gulang, nasa unang antas na siya ng elementarya. Nag-aral siya nito sa Mababang Paaralan ng San Marcos . Ang balak talaga ng mga magulang niya ay sa San Pablo Central School siya pag-aralin ngunit dahil sa napakabata pa niya para sa unang baitang, hindi muna siya tinanggap dito.
Ako noong 5 taong gulang |
Sa eskwelahang pinasukan niya sa San Marcos ay mayroong mga estudyanteng umaaway sa kanya. Isa na dito si Joanna, anak ng isang guro doon sa paaralan na dahil sa malaki at mataba siya, kinakaya-kaya na niya si Camille. Madalas kapag walang guro sa silid-aralan, laging kinukurot ni Joanna si Camille. Hindi naman makalaban ang kawawang bata sa takot na baka siya isumbong sa magulang nito at mapaalis siya sa paaralan.
Magkaganoon man, hindi pa rin umaalis sa tabi niya ang pinsan niyang si Ivypara siya ay ipagtanggol pero wala rin naman itong magawalalo na kapag buo ang grupo ni Joanna, kasama sina Ashley at Kristine.
Napakasalimuot ng taong iyon para kay Camille. Pinilit niya ang kanyang mga magulang na ipasok na agad siya sa Central sa lalong madaling panahon. Dahil sa pakiusap na ito ng anak, pumunta muli ang mag-asawa sa Central upang mailipat ang kanilang ang anak. Tinanggap naman ito ng pamunuan at sinabing sa pagtungtong sa ikalawang baitang ng bata, doon na siya magpapatuloy ng pag-aaral sa Central.
Masaya itong ibinalita ng mag-asawa sa kanilan anak. Natuwa rin si Camille sa balitang ito. Sa wakas, hindi na siya muling masasaktan ni Joanna.
Tinupad naman ng pamunuan ng Central ang kanilang sinabi. Tinanggap nila si Camille sa Central at inilagay sa section 7.
Hindi naman nagsisi si Camille sa pag-alis niya sa Mababang Paaralan ng San Marcos dahil sa Central, mababait ang mga kamag-aaral niya at magaling magturo ang kanyang guro. Masasabing angat sa ibang paaralan sa lungsod ang kalidad ng pagtuturo sa Central.
Nagkaroon ng lakbay-aral ang paaralan noong siya ay nasa ikalawang baitang. Lumahok siya dito kasama ang kanyang lola. Pumunta sila sa tahanan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Nakita nila dito ang mga kagamitan na pagmamay-ari ni Rizal. Dito nila natuklasan na na maliit na tao si rizal base na rin sa mga damit niya doon na ipinapakita sa mga panauhin. Sa bahay ding iyon makikita ang mga sinaunang kasangkapan at kagamitan sa bahay. Ito ay talagang ginawa pa noong panahon ng mga kastila at pinipriserba hanggang ngayon doon.
Pinuntahan din nila ang Nayong Pilipino na kakikitaan ng mga pinatuyong hayop, insekto at halaman. Nakamamanghang pag-aralan ang mga iyon na animo’y mga buhay pa kahit hindi na.
Namasyal din sila sa Enchanted Kingdom na ikinatuwa ng bawat isa. Sumakay sila sa Ferris Wheel at namatyagan ang kabuuan ng parke. Napakalawak nito at siguradong mas maganda pa iyon kapag gabi dahil sa mga ilaw.
Me and My Tita |
Mayroon pa silang pimuntahang mga lugar na makasaysayan at paniguradong kapupulutan ng aral.
Naging masaya ang paglalakbay na iyon lalo na’t mga palakaibigan at masarap kausap ang mga tao sa sinakyan nilang bus.
Marami pa siyang napuntahang mga lugar kasama na dito ang mga dinarayo ng mga Girl Scout upang dito isagawa ang mga programa nila. Naranasan din ni Camille na magpalipas ng gabi sa paaralan. Bawat aktibidad na ito ay nagbibigay sa kanya ng mga karanasang nagbibigay-aral sa kanya.
Hindi maitatanggi ang katalinuhang taglay ni Camille. Naipamalas niya ito ng makamit niya ang unang karangalan sa klase ng section 4 noong siya ay nasa ikalimang baitang na. dahil dito pinakuha siya ng pagsusulit para mapapunta sa Pilot section, ang tatlong pinakamataas na seksyon ng paaralan. Nakapasa siya sa eksaminasyon na iyon subalit hindi siya nakapasok sa Pilot B sapagkat madaming mga estudyante mula sa section 1 ang napapunta sa Pilot B. Inilagay na lamang siya sa section 1 noong nasa oka-anim na baitang na siya.
Sa seksyon na iyon niya natagpuan ang mga tunay na kaibigan na hindi siya iniwan kahit sa mga kalungkutan na dumarating sa kanyang buhay. Ito sina Lichelle, Anna, Shaira at Chelsi, mga matatalik niyang kaibigan mula noong siya ay nasa ika-anim na baitang hanggang ngayon.
Noon ding taong iyon gumawa ang Fast-learner, Pilot A, Pilot B at seksyon 1 ng proyekto sa English. Magkakagrupo ang section 1 at Fast-learner at magkagrupo naman ang Pilot A at Pilot B.
Ready for School |
Gumawa ng pelikula ang grupo ng section 1 at FL bilang proyekto. Itoay ang ‘First Day High’ kung saan ipinapakita ang mga unang araw ng isang estudyante sa hayskul. Nakasama si Camille sa grupo ng Brainy High. Sila ay nakasuot ng dilaw at makakapal na salamin. Pinakamasayang parte ng proyekto ang paggawa nito. Nagkakila-kilala ang bawat isa sa loob ng mga panahong iyon. May nabuo pa ngang samahan sa dalawang seksyon. Salamat sa Diyos at natapos ito nang walang anumang problema. Nakakatuwang panoorin ang pelikulang ito na hindi mo aakalaing ginawa ng mga estudyante ng ika-anim na baitang.
Masayang nagtapos ng elementarya si Camille. Hindi man siya nakakuha ng medalya, nakatuklas naman siya ng isang di-matatawarang kayamanan, ang kaibigan.
Nanatili sa puso ng bawat isa ang masayang karanasan nila sa elementarya at ang mga alaalang kanilang pinunla dito. Nagtapos ang magbabarkadang sina Camille, Anna, Lichelle, Shaira at Chelsi na maligaya at dala-dala ang mga natutunan nilang aral hanggang ngayon.
Dahil magsesekundarya na si Camille kumuha siya ng entrance examination sa apat na pribadong paaralan, Liceo, MSC, St. Joseph at LSPU. Gustong gusto talaga niyang makapasok sa LSPU kaya ginalingan niya sa simula pa lamang noong kumuha siya ng pagsusulit hanggang sa interview. Nakasama siya sa waiting list pero dahil hindi tinadhana na siya’y doon mag-aral ay walang bakanteng pwesto para sa kanila ang nabigyan ng pagkakataon.
Tatlo o dalawang linggo bago magpasukan kumuha siya ng pagsusulit para sa science curriculum section sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Sa kabutihang palad, nakapasa siya dito at nakasama sa ilang mga piling estudyante na makakatamasa ng biyayang dulot ng pagiging science.
My Friends |
Sa unang araw ng unang taon niya sa sekundarya, nakilala niya si Shelo na naging una niyang kaibigan. Hindo niya inaasahang ang mga batang Central na katulad niya na sina Sam, Recy, Marian, Jomar at Aerrol ay naging mga kaklase din niya.
Noon ay halos mga tunog ng bolpen na nahulog, ilang mga paggalaw ng upuan at mga ingay mula sa labas ang maririnig sa silid-aralang iyon. Hindi magkakakilala ang mga estudyante doon kaya hindi sila masyadong nagkukwentuhan. Ang guro lamang ang bumabasag ng katahimikang iyon.
Sa paglipas ng panahon, nakilala nila ang isa’t isa at naging mga magkakaibigan. Nagturingan silang parang mga magkakapatid. Dumaan na sila sa iba’t ibang mga paligsahan na sumubok sa kanilang kakayahan. Ilan dito ay ang Ibong Adarna na kung saan naipamalas ng bawat isa ang galing sa pag-arte. Gumanap bilang arsobispo si Camille sa dulang ito. Dahilan sa husay nila, tinanghal silang kampeon ng dulang iyon. Ang sumunod ay ang Floorante at Laura na sumubok sa kanilang pag-arte, pagbigkas at pag-awit. Gumanap bilang mambibigkas si Camille dito. Ibinigay nila ang lahat ng makakaya nila pero nagkulang pa rin ito para talunin ang A na naging kampeon sa dulawit na iyon. Sumali din sila sa sabayang bigkas at nanalo nang unang pwesto. Kahit sila ang nanalo dito, ang A pa rin ang ipinanlaban sa labas ng paaralan dahil na rin daw sa dahilang baka mapabayaan nila ang kanilang pag-aaral.
Recognition Day |
Sa ngayon, napapanatili pa rin ni Camille ang pagiging isang honor sa klase kahit mahirap. Hindi na ramdam ni Camille ang matinding kumpetisyon sa pag-itan nilang mga magkakaklase sapagkat lahat ay nagtutulungan na para kahit papaano ay may gawin sila upang matulungan sa pag-aaral ang isa’t isa.
Hindi lang dahil sa paaralan nakakapunta si Camille sa mga magagandang lugar. Nakapunta na rin siya sa Villa Escudero ng dalawang beses at ang huli ay noong nakaraang taon. Libre ito kaya masaya ang pagpunta nila doon na walang iniintinding gastusin.
Me Riding the Vintage Car |
Maaga silang naghanda. Pagkatapos nilang maglakad papunta sa may simbahan para doon abangan ang sasakyang maghahatid sa kanila sa Villa. Mabilis magpatakbo ang driver, halos liliparin na ang lahat ng sakay niyon kaya sandali lamang ay naandoon na sila. Hindi naman sila nagsisi sa pagsama sapagkat pagpasok palang sa hacienda na sobrang lawak ay mamamangha ka na. nang nakarating na sila sa mismong atraksiyon noon, ang Villa ay magagandahan ka na agad. Una nilang nilibot ang museum dito. Habang sila ay naglalakad, napakarami na nilang nakikitang mga istatwa. Ilan dito ay ang mga kalabaw na kumakain sa damuhan, isang animo totoong helicopter, isang grupo ng militar na nagpapaputok ng kanyon, at dalawang sinaunang dyip.
Me and My Relatives |
My Ate Janine w/ her friends :) |
Mukhang simbahan ang labas ng museo kaya aakalain mong ito ang Villa Chapel. Sa ibaba ng gusali, pagpasok dito ay makikita ang lahat ng santo at santa ng mga katoliko. Mayroon ding mga manikin doon na parang totoo. Sinisimbolo nito ang iba’t ibang pangkat etniko sam Pilipinas. Sa taas naman nito ay makikita ang mga pera ng Pilipinas simula pa lamang noong panahon ng kastila, iba’t ibang mga artifacts mula sa sinaunang panahon tulad ng mga gintong porselas, kwintas, singsins at hikaw. Naroroon din ang iba’t ibang laki ng mga bagay na gawa sa clay sa prosesong pottery, mga sobrang liliit na mga bagay na inilagay at inayos sa isang kabinet, mga isang pulgada lang siguro ang laki ng mga ito. Makikita din dito ang mga damit ng mga presidente, mula kay Emilio Aguinaldo hanggang kay Joseph Estrada. Naroroon din ang ilan sa mga gamit ni Donya Escudero tulad ng payong, alahas, damit at iba pa. marami pang mga bagay ang makikita doon na nakamamangha talaga.
Ito ang talambuhay ni Camille Keith Alcantara. Ang simple ngunit kakaibang si Ms. Flurry ng DSEC.
Me, Camille Keith Alcantara |