Ang pinakadakilang diyos ng mga Griyego na si Zeus ay hindi mapalagay sa pagkawala ng kanyang lightning bolt na maaaring makapagbigay ng kapangyarihang pamunuan ang sangkatauhan sa sinumang nagmamay-ari nito. pinaratangan niya ang anak ni Poseidon na si Percy, ang taong nasa likod ng naganap na pagnanakaw. Ipinagtanggol ni Poseidon si Percy sa paaratang na iyon ngunit hindi siya pinakinggan ni Zeus. Nagbanta siya na kung malagay sa panganib si Percy dahil sa kagagawan ni Zeus, hindi siya magdadalwang-isip na ipaglaban ang buhay ng kanyang anak. Ngunit hinda pa rin natinag si Zeus sa kanyang paniniwala.
Samantala, habang binibisita nina Percy Groover at sampu ng kanyang mga kamag-aaral ang museo na ipinapakita ang mga diyos ng mga Griyego, sinalakay siya ng isang lumilipad na halimaw na nagpanggap bilang kanilang pansamantalang guro sa eskwelahan sa isang bakanteng silid ng museo at agresibo nitong tananong kung nasaan ang ninakaw niyang lightning bolt. Hindi niya alam ang pinagsasabi ng halimaw na ito sapagkat sa paniniwala niya , wala siyang ninanakaw na kung anuman. Dumating si Groover at Mr. Brunner, isa rin sa mga guro ni Percy, at itinaboy ang halimaw papalayo sa lugar na iyon.
Dahil sa pangyayaring iyon nahinuha na ni Mr. Brunner na natagpuan na nila si Percy. Inutusan agad ni Mr. Brunner si Groover upang samahan si Percy sa pagsundo kay Sally, ang ina niya. Hindi na daw ito ligtas kaya dapat na silang lumikas sa kampo ng mga dugong bughaw.
Habang patungo silang tatlo, si Percy, Groover at Sally sa kampo, may umatake sa kanilang isang halimaw na baka namalatao ang tikas. malapit na sana sila sa kampo ng maabutan nito si Sally at pinisa hanggang sa maging pulbos ito. Dahil dito nagalit si Percy at kinalaban ang halimaw hanggang sa ito'y matalo niya. Dito na nawalan ng lakas si Percy at nawalan ng malay-tao.
Nagising na lamang siya na nakahiga sa loob ng kampo at napagtantong totoo pala ang mga nangyari na akala niya'y panaginip lamang. Napag-alaman niyang si Groover ay kalahating tao at kalahating kambing pati na rin si Mr. Brunner, kalahating tao at kalahating kabayo, na ngayon ay si Chiron. Ipinatawag at hinati ni Chiron ang mga demigods sa kampo. Sumama si Percy sa grupo ni Luke, anak ni Hermes. Naglaban ang dalawang grupo upang makuha ang bandila ng kalaban. Sa huli, nakalaban ni Percy si Annabeth. Natalo si Percy sa umpisa ngunit nanalo din kinalaunan dahil na rin sa panuto ni Poseidon na pumunta sa tubig at doon makakakuha siya ng lakas.
Nagkaroon ng kasiyahan noong gabi ding iyon. Nagpakita si Hades na anyong demonyo sa apoy at sinabing buhay pa si Sally at hawak niya ito. Ibibigay lamang niya ito kung ipapalit ni Percy ang ninakaw niyang lightning bolt. Gustong iligtas ni Percy ang kanyang ina ngunit wala naman sa kanya ang tinutukoy nitong lightning bolt. Nagdesisyon siyang pumunta sa mundong ilalim upang ipaliwanag kay Hades ang lahat at pakiusapan itong ibalik sa kanya ang ina nito. Sinabi ni Chiron na hindi ito uubra kay Hades, dapat daw muna nila itong ipagbigay alam kay Zeus nang sa ganoon ay walang labanang magaganap at makagawa ang mga diyos ng paraan upang maibalik ang kanyang ina, ngunit kailangan muna niyang maghasa ng kanyang galing sa kampo bago siya lumabas nito. Tinutulan ito ni Percy dahil gusto niyang sa lalong madaling panahon ay mailigtas na niya si Sally.
Nang sumunod na gabi palihim na nilisan ni Percy ang kampo. Sumama sina Annabeth at Groover sa kanya. Pinuntahan muna nila si Luke para malaman ang daan patungo sa mundo ni Hades. Ibinigay niya kay Percy ang mapa at isa sa mga lumilipad na sapatos ni Hermes.
Una silang nagtungo sa imperyo ni Medusa. Mahirap ngunit nagawa nilang pugutan ito ng ulo. Napagtanto nila na nasa kamay ni Medusa ang unang perlas na gagamiti nila upang makabalik sa mundo ng mga buhay mula sa mga mundo ng mga patay.
Sunod nilang pinuntahan ang Parthenon. Nakalaban nila dito ang dragon na may limang ulo. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng ulo ni Medusa nagawa nila itong matalo. Nakuha nila ang perlas mula sa estatwa ni Athena, ang ina ni Annabeth.
Naglakbay ulit sila at dinala sila ng mapa sa isang casino sa Las Vegas. Nahipnotismo sila dito dahil sa pagkain ng lotus flower. Sa tulong ni Poseidon naliwanagan si Percy at napagtantong sa sampung araw na nalalabi bago magkaroon ng digmaan kapag hindi pa naisauli ang lightning bolt ni Zeus, ay limang araw na ang nailagi nila rito. Ginising ni Percy sina Annabeth at Groover mula sa pagkahinotismo. Pinigilan sila ng mga opisyal ng casino pero hindi pa rin natinag ang grupo ni Percy at nakuha nila ang perlas doon.
Iginabay sila ng mapa tungotungo sa daang sa mundong ilalim. Pagpasok pa lamang nila sa kastilyo ni Hades, sinalubong na agad sila ni Persephone at ang mga alaga nitong mababangis na aso. Iniharap sila nito kay Hades. Sinubukan ni Percy na ipaliwanag kay Hades ang totoong sitwasyon, ang katotohanang wala sa kanya ang ninakaw na lightning bolt ni Zeus, pero hindi talaga ito pinaniwalaan ni Hades. Binasag ni Hades ang isang bolang kristal at mula rito lumabas si Sally. Tumakbo si Percy kay Sally at niyakap ito at naging sanhi ng pagkahulog ng kalasag na ibinigag sa kanya ni Luke. Nabuksan ang hawakan ng pananggang ito at nalantad na narito ang lightning bolt. Kinuha ito ni Hades. Ipinaliwanag ni Percy na hindi niya alam na nadoon ang bolt. Wala na ditong pakielam si Hades. Inutusan niya si Persephone na ipakain ang mga buhay na ito sa mga gutom na kaluluwa.
Dahil sa isang halik nagawang kuhanin ni Persephone ang lightning bolt kay Hades at ginamit niya ito para mapatumba ang kanyang asawa. inalis niya sa bingit ng kamatayan sina Percy. Ginawa ito ni Persephone sa kadahilanang hindi na naman siya itinuturing na asawa ni Hades sa halip bilang isang bilanggo. Ibinigay niya kay Percy ang bolt. Ngayon may problema pa, ang hawak nilang perlas ay tatlo lamang. Tatlong tao lang ang kaya nitong ibalik sa mundo ngunit apat sila, si Percy, Annabeth, Groover, at Sally. Nagpaiwan na lamang si Groover dito.
Dinala silang tatlo ng perlas sa tuktok ng Empire State Building. Sampung minuto na lamang ang nalalabi bago matapos ang palugit na ibinigay ni Zeus. Bago pa man sila makapasok sa tarangkahan papunta sa Olympus, dumating si Luke at kinalaban si Percy. Malakas si Luke kaya nahirapan si Percy pero sa kabila nito nagawa pa rin niyang talunin ang kalaban sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang manipulahin ang tubig. Pagod man, nagmamadaling tumungo sina Percy at Annabeth sa Olypus kung saan nagtatalo ang mga diyos. Naiwan si Sally sa elevator dahil hindi siya maaaring makapasok sa sagradong lugar para lamang sa mga diyos.
Sakto namang pagdating nina Percy at Annabeth ang pagdedeklara ni Zeus nang labanan. Napigilan nila ito at ipinaliwang ang tunay na pangyayari. Hindi si Percy ang magnanakaw kundi si Luke. Gusto niyang paglaban-labanin ang mga diyos nang ang mga demigods ang mamuno sa sanlibutan. Ginamit lang ni Luke si Percy upang mapagtaguan ng bolt. Naunawaan naman ito ni Zeus. Hiniling ni Percy sa kanya na ibalik sa mundo si Groover na naiwan sa mundong ilalim noong binawi nila mula kay Hades si Sally. Tinupad naman ito ni Zeus. Sandaling nagkausap sina Percy at Poseidon at inayos ang mga di-pagkakaunawaan nilang dalawa.
Napigilan ang digmaan at natapos na ang lahat. Nanirahan na si Percy sa kampo ng mga dugong bughaw kasama ang iba pang demigods, samantalang si Sally ay namuhay na nang mapayapa sa mundo ng mga tao.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN:
Minsan sa ating buhay, dapat tayong magsakripisyo para sa mga mahal natin. Iparamdam na agad natin sa kanila kung gaano sila kahalaga sa atin habang may panahon pa. matuto rin tayong tanggapin ang mga katotohanang isinisiwalat sa atin.
No comments:
Post a Comment