Sunday, February 13, 2011

Shara Majika

Si Shara ay isang ordinaryong estudyante sa Dizon High na may espesyal na abilidad. Mayroon siyang majika. Hindi ito lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang. Siya ang magiging bida ng kwentong ito. Dahil nga bida, lagi siyang inaapi (tulad sa mga telenovela, hindi ba?)

Isang ordinaryong lunes ang magiging isang di-malilimutang araw para sa lahat lalo na sa mga estudyante ng Dizon High. Ang mga hayop sa lugar na iyon ay hindi mapalagay. Nagsisilabasan ang mga insekto sa kung saang sulok man sila nagmula. Lumilipad papalayo ang mga ibon na para bang natataranta. Hindi ito masyadong napapansin ng mga tao. Patuloy pa rin sila sa mga normal na gawain nila.

Tanghali na noon at marami na sa mga estudyante at guro sa paaralang iyon ang kumakain na ng kanilang pananghalian.

Nilapitan nina Mae, Sally at Meg si Shara at kinutya ito dahil itlog na pula na naman ang ulam nito (ano ba naman yan.......ano bang aasahan nila sa mga estudyante ng public school? e di, karamihan dito ay mahihirap. Pumasok kaya sila doon sa Ateneo at sigurado akong sila naman ang kukutyain doon).

"Hi Shara. Itlog na pula na naman ba ang ulam mo? Kawawa ka naman pala," kutya ni Meg at Mae dito. Nag-duet pa sila.

"Girls, hindi siya kawawa, kawawang kawawa lang. Ha, ha, ha!," dagdag pa ni Sally.


Lumayo na lang si Shara sa mga ito para wala nang gulo.

Kakatapos lang ni Sharang magtanghalian nang biglang lumindol ng malakas. Nagtago muna siya sa ilalim ng mesa at noong tumigil na ito saka siya lumabas at tumakbo patungo sa field. Nakita niya ang mga gumuhong gusali ng paaralan at mga tindahan dito.

Hindi pa man siya tuluyang  nakakalapit sa oval ay lumindol na naman. Biglang may lumabas dito na isang halimaw na triple ang taas sa kanya at ang katawan nito ay bato. Nakakatakot ang mukha nito. Papalapit na ito sa kanya. Naghagis ang halimaw ng isang malaking bato patungo kay Shara. Hindi niya alam ang gagawin. Para siyang natuod sa kinatatayuan niya at hindi makagalaw. Dito niya naalalang mayroon nga pala iyang kapangyarihan. Wala sa isip na ginamit niya iyon para madurog ang napakalaking bato na papalapit sa kanya. kitang-kita ito ng mga kapwa niya estudyante.Nabigla sila sa kanilang nakita.

Walang pakielam si Shara kung anuman ang isipin ng mga ito sa kanya. Basta ang guto niya'y tapusin ang halimaw at iligtas ang lahat sa kapahamakang dulot nito.

Sa pamamagitan ng majikng taglay niya, nagawa niyang lumutang sa ere, gawing damit pandigma ang kanyang uniporme at gawing kalasag at espada ang notebook at ballpen na nasa bag niya.

Sa tulong ng pinagsama-samang galing, majika at katatagan ni Shara nagawa niyang talunin ang kalaban at alisin ang pangamba ng mga tao dito.

Ang akala ni Shara ay kamumuhian siya ng mga tao dahil sa kakaiba siya pero hindi, ipinagbunyi ng mga ito ang pagkapnalo niya labn sa halimaw at masayang masaya silang binati ito. Sina Mae, Sally at Meg na dati'y umaapi dito ay humingi ng tawad sa kanya at hiniling nilang maging tagasilbi sila ni Shara, ang tagapagligtas nila, ngunit hindi pumayag dito si Shara. Ayaw niyang maging tagasilbi ang mga ito, gusto niyang mging tunay na mga kaibigan niya ang mga ito habambuhay. Galak na galak namang pumayag ang tatlo sa kahilingan ni Shara.

Sa pamamagitan ng kapangyarihan niya, isinaayos niya ang mga nasalanta ng lindol. Parang walang anumang nangyaring lindol dito. Maayos na ulit ang buong bayan.

Makalipas ang ilang araw, binigyang parangl siya ng mayor dahil sa napakahalagang nagawa niya. Naibalita din siya sa tv hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Inalok siya ng ilang sikat na mga eskwelahan upang doon magtapos ng high school pero hindi siya pumayag at nanatili pa rin siya sa Dizon High kung saan niya natuklasan ang kanyang mga kaibigan at mga gurong nandiyan lagi para sa kanya.

Hindi nagtagal, nagpakita sa kanya ang tunay na mga magulang niya. Sinabi ng mga ito na isa siyang prinsesa sa kaharian ng Encantada Majika. Isinugo nila si Shara dito sa mundo dahil sa mga halimaw na lumalabas dito galing sa kanilang mundo. Sinabi pa nito na umpisa pa lamang ang nakalaban niya noon. Marami pang ibang dadating.

Nagpasalamat siya sa mga ito dahil siya ang napiling ipadala dito upang ipagtanggol ang Daigdig. Ikinararangal niyang ipagtanggol ito mula sa mga kampon ng kasamaan.

Ipinagpatuloy niya ang paglaban sa kasamaan hanggang sa dumating ang pinakamatinding laban niya, si Dark Emperor na gustong sakupin ang buong mundo.
Kailangan niyang lipulin ang mga tao upang magkaroon siya ng lakas. Pinili niyang doon kumuha ng tao sa Dizon High dahil alam niyang hindi siya masasaktan ni Shara kung nasa loob niya ang pinakamamahal nitong mga estudyante at mga guro. Ito ang una niyang hakbang para msakop ang Daigdig, ang pagtalo kay Shara.

Sa tuwing masasaktan si Dark Emperor, nasasaktan din ang mga taong nasa loob niya kaya hindi matalo-talo ni Shara ang halimaw na ito. Naalala niya ang sinabi ng kanyang ina noon na ang lahat ng bagay ay my kahinaan. Hinanap niya ang kahinaang iyon at natuklasan niya na sa tuwing maglalabas ito ng apoy sa kanyang bibig ay nangangailangan pa ito ng limang segundo bago niya maibuga. Sa loob ng limang segundo iyon, kailangan niyang makapasok sa loob nito at mahanap ang totoong katawan ng halimaw.

Tatlong beses siyang nabigo sa pagpasok ngunit sa ika-apat beses ay nakapasok na siya. Nasa loob nito ang mga estudyante at gurong kinuha ng halimaw. Para silang nasa kawalan at nakalutang habang natutulog. Hindi niya mahanap dito ang katawan ni Dark Emperor. Nagtungo siya sa ulo nito at dito niya nakita ang isang lalaking napakaamo ng mukha at masasabi ding gwapo. Natuklasan niyang ito ang katawan na kanyang hinahanap ngunit, paanong nangyari ito? Sigurado siyang biktima lamang ang taong ito.
Gigisingin na lamang niya ng lalaki nang biglang may espiritung lumitaw dito at sinabing hindi niya pwedeng galawin ang taong iyon. Ang espiritung iyon ang tunay na halimaw. Sumanib lamang ito sa taong iyon para magkaroon ng katawang mortal.

Kinalaban niya ang espiritung ito. Nahirapan siya dahil tumatagos lamang dito ang bawat pag-atake na ginagawa niya. Kinuha niya ang abo ng halimaw na una niyang kinalaban at isinaboy dito. Sabi ng knyang ina, itong abo daw na ito ay magagmit niya laban sa mga espiritu. Dahil dito nagawa niyang atakihin ang espiritu nang hindi tumatagos dito. Natalo niya ito at nailigtas ang lalaki at ang mga taong nasa loob niyon.
Nagising ang lalaki at nagpasalamat kay Shara dahil sa pagliligtas nito sa kanya. Sa unang kita pa lamang ng dalawa sa isa't isa ay nahulog na ang loob ng mga ito. Nagpasalamat din ang lahat dahil sa muling pagliligtas niya sa mga ito.

Simula noon, wala nang halimaw o espiritu ang bumulabog sa mundo at naging mapayapa na rin ang lahat.

Samantala, ang lalaki ay nagpakilala bilang si Nico at isang prinsipe ng kahariang Encantado Majiko. Naging magkabiyak ang dalawa at itinayo ang Encabtasia Majika, ang pinagsamang kaharian ng Encantada Majika at Encantado Majiko, at namuhay sila ng mapayapa.

~WAKAS~


No comments:

Post a Comment